top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lolo binaril, utas

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 5, 2023



ILOILO—Isang 63-anyos na lolo ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. San Andres, San Rafael sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ireneo Compleza, nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang motorsiklo si Compleza ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Compleza.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page