Lolo, arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | December 18, 2021
CAVITE—Arestado ang 60-anyos na lolo sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Molino 3, Bacoor City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Noel Domingo, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ni Domingo ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 75 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments