Lolang NPA, sumuko
@Balitang Probinsiya | April 26, 2023
SORSOGON—Isang 63-anyos na lola na miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan, kamakalawa sa bayan ng Casiguran sa lalawigang ito.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ang sumukong lola.
Ayon sa ulat, isinuko rin nito ang dala niyang mga subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng sumukong lola na nagsawa na umano siya sa matagal na panahong pakikipaglaban sa gobyerno at nais na umano niyang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob siya sa pamahalaan.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang sumukong NPA.



Comments