top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lola, todas sa ambulansiya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 2, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 2, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang 70-anyos na lola ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang ambulansiya kamakalawa sa Bgy. 9, Kabankalan City sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Angeles Arsalem, nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng ambulansiya kaya aksidente nitong nabangga ang biktimang tumatawid sa kalsada.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan. pero idineklara itong dead-on-arrival.


Kusang sumuko naman sa pulisya ang hindi pinangalanang driver na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page