Lola, sugatan sa sunog
- BULGAR
- Sep 17, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 17, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 93-anyos na lola ang sugatan nang masunog ang 24 kabahayan kamakalawa sa Bgy. Mambulac, Silay City sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalanan ang biktimang lola na nagtamo ng sunog sa kanang kamay.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa isang bahay at mabilis na kumalat ang apoy kaya nadamay ang 23 pang tahanan.
Napag-alaman na habang papalabas sa nasusunog niyang bahay ay may bumagsak na nagbabagang kahoy at tinamaan sa kanang kamay ang biktima, pero sa tulong ng mga residente ay ligtas na nailabas ang lola.
Makalipas ang ilang oras ay naapula rin ang apoy. Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa nasabing lugar.



Comments