Lola patay sa motorsiklo
@Balitang Probinsiya | March 28, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang lola ang namatay nang mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tangub, Bacolod City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Josefina Antifuesto, 83, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang rider kaya nabangga nito ang biktimang tumatawid sa kalsada.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang hindi na pinangalanan ang rider ng motorsiklo matapos mangakong sasagutin ang gastos sa nasawing lola.



Comments