Lola patay, apo sugatan sa mixer truck
@Balitang Probinsiya | November 28, 2022
PANGASINAN—Isang lola ang namatay at sugatan naman ang kanyang apo nang aksidenteng mabangga ng mixer truck ang sasakyan nilang kotse kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Lingayen.
Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Guillerma Munez, 60-anyos, samantalang hindi na pinangalanan ang sugatan nitong apo na menor-de-edad, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, papasakay sa kanilang kotse ang maglola nang mabangga ito ng rumaragasang mixer truck na minamaneho Melecio delos Santos, nasa hustong gulang at nakatira rin sa naturang bayan.
Nabatid na dinala pa ng mga saksi sa ospital ang maglolang biktima, pero idineklarang dead-on-arrival si Guillerma.
Pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na driver ng mixer truck para sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property.



Comments