top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lola, natagpuang patay sa ilog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 28, 2021


NORTH COTABATO—Isang 60-anyos na lola ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa ilog na sakop ng bayan ng Tulunan.


Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima habang nakalutang sa nasabing ilog.


Sa imbestigasyon ng pulisya, huli umanong nakitang buhay ang biktima habang naglalakad sa gilid ng ilog.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung may naganap na foul play o aksidenteng nahulog sa ilog ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkalunod at pagkamatay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page