Lola, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | Enero 31, 2024
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 74-anyos na lola ang natagpuang patay kamakalawa sa isang bakanteng lote sa Brgy. Poblacion West, Candoni sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang lola.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa nasabing lugar.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na pinatay ang biktima dahil may isang tama ito ng bala sa likurang ulo.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing krimen.



Comments