top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lola nahulog sa tricycle, dedbol

Writer: BULGAR
BULGAR
May 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 9, 2023


ILOILO—Isang 73-anyos na lola ang namatay nang mahulog sa sinasakyan niyang tricycle, kamakalawa sa Bgy. Quinolpan, San Enrique sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si Mely Botero, residente ng Bgy. Mapili, sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Nenito Laurista, nasa hustong gulang ang kanyang tricycle at nakasakay dito si Botero ay aksidenteng nahulog ang biktima.


Nabatid na nagtamo ang biktima ng sugat sa ulo at mga galos sa braso at katawan na naging dahilan kaya namatay ang lola.


Napag-alaman na sinampahan na ng pulisya si Laurista ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page