top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Lola, nadale sa nakaparadang trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 7, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 7, 2023


AKLAN -- Isang 70-anyos na lola ang sugatan nang bumangga ang kinalululanan niyang tricycle sa isang nakaparadang trak kamakalawa sa Jaime Cardinal Sin Avenue, Kalibo sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Emma Fernandez, 70, at nakatira sa naturang bayan.


Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng tricycle na minamaneho ni Anthony Silva, nasa hustong gulang, kung saan pasahero nito si Fernandez kaya bumangga ito sa nakaparadang trak.


Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang biktima at kasalukuyang ginagamot sa ospital.


Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kasong isasampa sa tricycle driver na hindi nasugatan sa aksidente, at sa driver ng trak na pumarada ng alanganin sa gilid ng kalsada.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page