top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Lola, minolestiya ng adik

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 9, 2023


MISAMIS OCCIDENTAL -- Isang 69-anyos na lola ang minolestiya ng isang lalaking adik kamakalawa sa Brgy. Nahawan, Clarin City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang biktima at ang suspek habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek matapos na ireklamo ito ng biktima.


Sinabi ng biktima na ang pangmomolestiya sa kanya ng suspek ay naganap sa loob ng kanilang bahay habang nag-iisa siya sa kanilang tahanan.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page