Lola, dedo sa lasing na rider

@Balitang Probinsiya | November 28, 2020
ISABELA—Isang 64-anyos na lola ang namatay nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo na minamaneho ng lasing na rider kamakalawa sa Bgy. Antagan 2nd, Tumauini.
Kinilala ang biktima na si Aurelia de Guzman, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Mark Ballesteros kaya aksidenteng nabangga nito ang biktimang tumatawid sa kalsada.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival dahil sa malaking sugat na tinamo sa ulo.
Nakapiit na si Ballesteros na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at paglabag sa driving under the influence of liquor.



Comments