Lola dedbol sa trak
@Balitang Probinsiya | March 10, 2023
QUEZON—Isang 79-anyos na lola ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang trak kamakalawa sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rebecca Sagadsad, at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Danny Ondevilla kaya aksidente nitong nabangga ang biktimang tumatawid sa kalsada.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nahaharap ngayon si Ondevilla sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments