top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Lola, dedbol sa SUV

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 27, 2023

NEGROS OCCIDENTAL -- Isang hindi nakilalang lola ang namatay nang mabangga ng isang pampasaherong SUV kamakalawa sa Brgy. Rizal, Silay City sa lalawigang ito.


Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng lola na tinatayang nasa edad 60 pataas.


Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng SUV ang hindi pinangalanang driver kaya nabangga nito ang biktimang tumatawid sa kalsada.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang lola.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Samantalang nahaharap ang SUV driver sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page