Lola, dedbol sa sagasa ng trak

@Balitang Probinsiya | November 27, 2020
CAMARINES SUR—Isang 64-anyos na lola ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng rumaragasang trak kamakalawa sa Bgy. San Agustin, Pili.
Nakilala ang biktima na si Benilda Rebaya, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, tumatawid umano sa kalsada ang biktima nang mabangga at masagasaan ng rumaragasang trak na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver na tumakas matapos maganap ang aksidente
Nabatid na napisak ang katawan at ulo ng biktima dahilan kaya namatay ito sa pinangyarihan ng aksidente.
Pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na driver ng trak.



Comments