top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Local terrorist member, sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 14, 2020



LANAO DEL SUR—Isang local terrorist na kasapi ng Dwalah Islamiyah (DI) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Marawi City.


Ang sumuko ay si Faharudin Sapilin, miyembro ng DI na nag-o-operate sa nasabing lalawigan.


Nabatid na isinuko rin ng terorista ang mga dala nyang baril at mga bala sa 5th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) na nakabase sa lungsod.


Ayon kay Sapilin, nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan dahil gusto na niya na maging tahimik ang kanyang pamumuhay sa piling ng kanyang pamilya.


Isinasailalim na si Sapilin sa taktikal na interogasyon upang matiyak ng mga awtoridad na bukal sa kalooban nito ang pagbaballik-loob sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page