Lineman, patay sa kuryente
@Balitang Probinsiya | December 28, 2021
NEGROS ORIENTAL—Patay ang isang lineman nang makuryente kamakalawa sa bayan ng Tanjay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronald Gallarde, nasa hustong gulang, lineman ng Negros Oriental Electric Cooperative sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nagkakabit ng kuryente si Gallarde sa potse ay aksidente nitong nahawakan ang live wire.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang bikitima.
Dinala ng kanyang mga kasamahan sa trabaho si Gallarde sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments