Lineman, nadedbol sa kuryente
@Balitang Probinsiya | May 09, 2021
ISABELA—Patay ang 36-anyos na lineman nang makuryente kamakalawa sa Bgy. San Fermin, Cauayan City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Russel Flores, nakatira sa Bgy. Dalenat, Angadanan sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, habang may ginagawa si Flores sa transformer ng kuryente ay nasagi nito ang live wire dahilan upang makuryente ang biktima.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama sa biktima ay nagtamo ito ng 3rd degree burns sa katawan.
Kaagad dinala ng mga saksi si Flores sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments