Lineman, kritikal sa kuryente
@Balitang Probinsiya | November 28, 2021
AKLAN--Isang lineman ang nasa kritikal na kalagayan nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jemuel Rebutar, nasa hustong gulang, lineman ng telecommunication company sa lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nagkakabit ng kuryente si Rebutar sa potse ay aksidente nitong nahawakan ang live wire.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng kanyang mga kasamahan sa trabaho si Rebutar sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito sa pagamutan.



Comments