Lindol sa Indonesia umabot sa 6.6 magnitude
- BULGAR

- Jul 7, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo - @News | July 7, 2020

Isang malakas na lindol ang namataan sa isla ng Java sa Indonesia ngunit wala naman ang naitalang namatay, napilayan at pagkasira ng mga ari-arian.
Sinabi ng Indonesian Meteorology, Climatology and Geophysics Agency nitong Martes ay nagkaroon ng 6.1 magnitude at nagbabanta na magkakaroon ng tsunami. Ngunit ayon sa U.S. Geological Survey namataan ang sentro ng lindol na 6.6 magnitude sa 93.8 kilometro hilaga ng Batang na may lalim na 528 kilometro.
Ang Indonesia ay madalas makararanas ng lindol dahil ito napapaloob sa Ring of Fire. Noong 2004 at nakaranas ng malakas na lindol at tsunami ang Indonesia at halos 230,000 ang namatay.





Comments