top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ligtas na face-to-classes, hangad nating lahat

BULGAR
Sep 21, 2021
1 min read

@Editorial | September 21, 2021


Pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pilot testing ng face-to-face classes sa mga lugar na hindi matindi ang banta ng COVID-19.


Ayon sa Malacañang, kalahating araw lang ang mga klase at hindi magkasunod na linggo na gagawin kundi may pagitan na isang linggo.


Kaugnay nito, ang Department of Health (DOH) umano ang magdedetermina ng banta ng COVID sa mga piling lugar.


Siyempre, kailangan ding pumasa ang mga klase sa ‘safety assessment’ ng Department of Education (DepEd).


Kinakailangan ding may ‘written consent’ ang mga magulang para sa pagpasok na muli ng kanilang anak sa paaralan.


Hinihingi rin ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagbubukas muli ng mga eskuwelahan.

Ang pakiusap naman sa mga guro, estudyante at mga magulang, palaging mag-ingat. Huwag nating isiping ang pagbabalik sa face-to-face classes ay dahilan para makampante.


Ipaunawa nating maigi, lalo na sa mga anak na tayo ay nasa gitna pa rin ng pandemya at nasa paligid lang ang virus.


Panawagan naman sa mga kinauukulan, laging ipatupad ang mga protocols. Kung may nakikitang problema o banta, agad na ipagbigay-alam lalo na sa DOH upang magawan agad ng paraan.


Wala naman tayong ibang hangad kundi ang maging ligtas, makasabay sa daloy ng sitwasyon at maipagpatuloy ang mahahalagang bagay tulad ng edukasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page