Lider-terorista, 5 tauhan sumuko
- BULGAR

- Nov 9, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 9, 2020
MAGUINDANAO—Isang lider terorista at limang tauhan nito ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Mirab, Upi.
Ang mga sumuko ay sina Sonny Florencio, squad leader ng New People’s Army (NPA); Darwin Buti, Aquilyn Buti, Eric Angkeg, Kenken Angkeg at Ariel Angkeg, pawang rebelde na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ng mga terorista ang mga dala nilang baril at bala sa headquarters ng Joint Task Force ng AFP (Armed Forces of the Philippines).
Ayon sa mga sumukong terorista, ayaw na nilang makikipaglaban sa pamahalaan kaya nagpasya silang magbalik-loob sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbaballik-loob sa gobyerno.



Comments