Libreng serbisyong medikal, matupad sana
- BULGAR

- Jun 5, 2025
- 1 min read
by Info @Editorial | June 5, 2025

Isinasaalang-alang ngayon ng Department of Health (DOH) ang isang panukala na maaaring magbago sa mukha ng serbisyong pangkalusugan sa Pilipinas.
Ito ay ang pagbibigay ng libreng medical services sa lahat ng pampublikong ospital.
Masasabing ito’y ambisyosong hakbang, ngunit kung maisasakatuparan, maaari itong magsilbing pundasyon ng mas makataong sistemang pangkalusugan.
Ito ay magbibigay ng ginhawa, lalo na sa mga maralita.
Mas mapapalapit din nito ang medikal na serbisyo sa malalayong komunidad.Ang tanong, may pondo ba para maisakatuparan ito?
May sapat bang health workers at kagamitan upang matugunan ang posibleng pagdagsa ng mga pasyente?
Dito papasok ang mahalagang papel ng gobyerno sa pagbibigay ng mas malaking badyet para sa kalusugan. Kailangang tiyakin ang tamang kompensasyon sa mga health workers, at masusing pagbabantay upang maiwasan ang katiwalian sa sistema.
Makabubuting makipag-ugnayan sa mga LGU, pribadong sektor, at mga eksperto upang bumuo ng isang sistemang epektibo at sustainable.






Comments