top of page
Search
  • BULGAR

Libreng Sakay, arangkada hanggang Disyembre, laking tipid sa lahat

@Editorial | August 17, 2022


Sa hirap ng buhay, lahat ng pagtitipid at diskarte para kumita ay talagang ginagawa na.


Bawat sentimo ay mahalaga para makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.


Kaya anumang ayuda na manggagaling sa gobyerno at iba pang sektor, masasabing napakalaking tulong.


Tulad ng Libreng Sakay program. Maraming manggagawa at estudyante na nababawasan ang intindihin sa pagba-budget sa araw-araw na pagpasok.


Kaya ngayong inilabas na ng Department of Budget and Management ang P1.4 bilyon na dagdag-pondo para sa Service Contracting Program, tuloy ang ginhawa sa biyahe.


Aprubado na umano ang Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation para sa Libreng Sakay sa EDSA Busway hanggang Disyembre 31, 2022.


Ang paglalaan ng dagdag na pondo ay suporta sa hangad ni Pangulong Bongbong Marcos na i-extend Libreng Sakay. Matatandaang natapos na ang programa noong Hulyo 31.


Kaya malaking tulong at ginhawa talaga sa bulsa ng mga komyuter.


Siyempre, tulong din sa mga bus drivers na bumabawi pa rin mula sa pandemya dulot ng COVID-19 at pagsirit ng presyo ng petrolyo.


Sana, tuloy lang ang magagandang programa at proyekto ng pamahalaan hangga't kaya. Kung may mga problema, agad sanang masolb.


Samantala, sa mga isyu ngayon naglalabasan, mga kontrobersiya at anomalya, tuloy lang din ang imbestigasyon, paglalantad at kung may mga dapat managot, sanpulan na.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page