top of page
Search
BULGAR

Libreng legal services sa mahihirap, dapat lang

by Info @Editorial | August 30, 2024



Editorial

Malaking tulong ang inaprubahan ng Supreme Court (SC) na Unified Legal Aid Service (ULAS) Rules na mangunguna sa mandatoryong paghahatid ng mga pro bono services ng mga abogado sa mga mahihirap at iba pang kuwalipikadong benepisyaryo.


Pinamamahalaan ng Unified Legal Aid Service Rules ang mandatoryong probisyon ng pro bono legal aid services ng mga sakop na abogado sa mga kuwalipikadong benepisyaryo, lalo na ang mga indigents, mga miyembro ng marginalized sectors na may paggalang sa kanilang mga kaso sa pampublikong interes, at non-governmental at non-profit na organisasyon, na may kinalaman sa mga kaso sa mga mahihirap at miyembro ng marginalized sector.


Nauna rito, sinabi na ang Unified Legal Aid Service Rules ay naglalayong maglagay ng pinag-isa at streamlined na balangkas para sa libreng legal aid services sa bansa.

Idinagdag na ang Mataas na Hukuman, sa pamamagitan ng paglikha ng nasabing mga panuntunan, ay umaasa na mabigyan ang mga mahihirap, kulang sa representasyon, at marginalized na mga miyembro ng lipunan ng buo at epektibong access sa hustisya.

Umaasa tayong mas mabilis nang makakamtan ang katarungan.


Aminin natin na bagama’t may libreng legal services na sa bansa, ‘di pa rin sapat dahil sa rami ng mga inaabuso. Ang mga biktimang walang kakayahang maipagtanggol ang sarili ay may pagkakataon pang nagiging salarin sa huli.


Sana, sa inaprubahang libreng legal services, magkaroon ng pag-asa ang lahat at maniwala na may tagapagtanggol pa ring mangangalaga sa ating mga karapatan. 

Mabura na sana ang sinasabing ang hustisya ay para lang sa mayayaman at kilala sa lipunan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page