top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LGUs, kani-kanyang ordinansa ngayong Undas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 28, 2020
  • 1 min read

@Editorial | September 28, 2020



Matapos na nagkasundo ang Metro Manila Mayors na pansamantalang isara ang lahat ng mga pribado at pampublikong sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, nagpasa na ang mga ito ng kani-kanyang ordinasa para sa maagang pagdalaw sa mga sementeryo ngayong panahon ng Undas.

Kabilang ang lungsod ng Pasay sa mga naunang naglabas ng schedule ng pagdalaw sa sementeryo, kung saan ang schedule ay bawat barangay.

Nilimitahan naman sa 150 katao ang papayagan sa loob ng sementeryo, samantalang 20 katao lamang ang papayagan sa columbarium.

Samantala, bukas lamang ang sementeryo sa Parañaque City mula Oktubre 1 hanggang 28 at Nobyembre 5.

Habang sa Quezon City naman ay pansamantalang isasarado ang mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, kung saan bukas ito mula ala-5:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Kaugnay nito, kinakailangang makakuha muna ng mga passes ang mga residente bago sila makapunta o makadalaw sa mga sementeryo.

Paalala naman ng kinauukulan sa lahat na ‘wag kalimutan at sundin pa rin ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, pagdala ng mga alcohol o sanitizers at pagpirma ng mga contact tracing form.

Bagama’t bago ang mga panuntunang ito sa nakasanayan natin sa mga naung paggunita ng Undas, maintindihan sana natin na ito ay para sa kapakanan ng mas nakararami. Hangga’t maaari ay sumunod tayo upang tuluyan nang maiwasan ang pagdami o pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page