Lending collector, hinoldap
- BULGAR

- Dec 5, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 5, 2020
NUEVA ECIJA—Isang lending collector ang hinoldap ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Gen. Luna, Llanera.
Ang biktima ay nakilalang si Alex dela Criz, nakatira sa bayan ng Cabiao sa nasabing lalawigan.
Ayon sa biktima, habang sinusuri niya ang gulong ng kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo at tinutukan siya ng baril at pagkaraan ay tinangay ang dala niyang bag na naglalaman ng mahigit P200,000.
Matapos ang panghoholdap ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang dalawang holdaper.



Comments