Leeg ng kelot nilaslas ng lasing

@Balitang Probinsiya | January 13, 2021
AKLAN—Isang lalaki ang sugatan nang laslasin ang leeg nito ng lasing na laborer kamakalawa sa Bgy. Calangcang, Makati.
Ang biktima na ginagamot na ngayon sa ospital ay nakilalang si Patrick San Miguel, 19-anyos at residente ng Bgy. Agcawilan, Lezo sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nakatayo si San Miguel ay bigla itong nilapitan ng suspek na si Joseph Mationg, 30-anyos at biglang nilaslas ang leeg ang biktima.
Sa pag-aakalang napatay niya ang biktima ay mabilis na tumakas si Mationg, pero agad nakapagresponde ang pulisya at naaresto ang suspek.
Inaalam na ng pulisya ang motibo ng suspek sa tangkang pagpatay sa biktima.



Comments