top of page

Lasing, tinodas ng kapitbahay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2024
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 10, 2024


CAVITE -- Isang lasing ang namatay nang pagbabarilin ng kanyang kapitbahay, kamakalawa sa Brgy. De Ocampo, Trece Martires City sa lalawigang ito.

 

Ang biktima ay si Michael Obial, 39, samantalang ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa alyas na “Dante”, nasa hustong gulang, kapwa residente sa nasabing barangay.

 

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Obial at “Dante” na humantong para pagbabarilin ng suspek ang biktima.

 

Agad dinala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

 

Mabilis namang nadakip ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms and ammunitions.

 

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page