Lasing, tinaga ng 2 kainuman
@Balitang Probinsiya | Oct 25, 2021
AKLAN--Isang lasing ang sugatan nang tagain ng kanyang dalawang kainuman kamakalawa sa Bgy. Badio, Niumancia.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa ulo na si Ciprano Policarpio, samantalang ang mga suspek ay sina George Ramos at Alex Cauynap, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang dalawang suspek habang nag-iinuman kaya pinagtataga nina Ramos at Cauynap si Policarpio sa ulo.
Matapos ang pananagawa ay nagtangkang tumakas ang mga suspek, pero nadakip sila ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.
Ginagamot na ngayon sa ospital si Policarpio samantalang nakapiit na sa detention cell ng pulisya ang mga suspek.



Comments