Lasing sinaksak ng kapwa lasing
@Balitang Probinsiya | November 12, 2022
AKLAN—Sugatan ang isang lasing na lalaki nang saksakin ng kapwa niya lasing na kainuman din nito kamakalawa sa Bgy. Talimagao, Madalag.
Ang biktimang nagtamo ng saksak sa katawan ay nakilalang si Elberto Fernando, samantalang ang suspek ay si Denden Victoriano, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Fernando at Victoriano hanggang saksakin ng suspek ang biktima.
Nabatid na agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito sa pagamutan.
Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated murder.



Comments