Lasing, sinaksak ng bilas
@Balitang Probinsiya | November 10, 2023
AKLAN -- Isang lasing ang sugatan nang saksakin ng kanyang bilas na kanyang kainuman kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang saksak sa tagiliran na si Joshua Mirabel, 23, samantalang ang suspek ay ang bilas niya na si Christian Ibanez, 20, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang maglabas ng patalim at sinaksak ng suspek ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa.
Mabilis namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder at illegal possession of deadly weapon.



Comments