top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Lasing, pinatay sa bugbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 1, 2023


NEGROS OCCIDENTAL – Patay ang isang lasing nang bugbugin ng apat na lalaki kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Bago City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga pasa sa mukha at katawan ay nakilalang si Roggie Tiolo, 47, at ang mga suspek ay ang magkapatid na Jed at Edmark Arangote, Dennis delos Reyes at Novi Bagallon, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lugar.


Ayon sa ulat, habang nakikipag-inuman si Tiolo sa isang kaibigan sa tapat ng isang tindahan ay dumating ang mga suspek at nagsalita umano ng hindi maganda ang biktima laban sa mga ito.


Dahil dito, biglang binugbog ng mga suspek ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi si Tiolo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, habang nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek, at ngayon ay nakapiit na ang mga ito sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page