top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Lasing, pinatay ng magsasaka

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 19, 2023

AKLAN -- Isang lasing ang namatay nang pagsasaksakin ng isang magsasaka kamakalawa sa harap ng isang tindahan sa Brgy. Dingle, Banga sa lalawigang ito.

 

Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tig-isang tama ng saksak sa katawan at leeg na si Ricky Rivero, 51, samantalang ang suspek ay si Diolito Pineda, 47, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

 

Ayon sa ulat, nagtungo si Pineda sa tindahan para bumili at dinatnan niya rito si Rivero na lasing na sa alak at kinukulit ang suspek.

 

Hindi umano nagustuhan ni Pineda ang pangungulit ni Rivero kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.

 

Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang nadakip agad ng pulisya ang suspek.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page