top of page
Pokwang.jpg

Lasing, patay sa kapwa lasing

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2021
1 min read

Updated: Jan 9, 2021

@Balitang Probinsiya | January 4, 2021



BATANGAS—Isang lasing ang binaril at napatay ng kapwa niya lasing kamakalawa sa harap ng tindahan sa Bgy. Sta. Cruz, Sto. Tomas.


Ang biktima ay nakilalang si Renante Acosta, samantalang ang suspek ay si Carlo Acasin, kapwa nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, kapwa lasing na nagtungo sa tindahan sina Acosta at Acasin at nagkaroon ng kulitan hanggang sa barilin ng suspek ang biktima.


Napag-alamang namatay sa mismong pinangyarihan ng krimen si Acosta dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.


Nagpalabas na ng mahunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page