top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Lasing, natagpuang patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 20, 2021



AKLAN—Isang lasing na lalaki ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Manika, Libacao.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Melvin Asiong, residente ng Bgy. Luctoga sa nasabing bayan.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga tama ng taga sa katawan sa nabanggit na barangay.


Sa imbestigasyon ng pulisya, nang malasing umano si Asiong sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan ay tumayo ito at nagsabing iihi, pero hindi na nakabalik hanggang sa matagpuan ang bangkay ng biktima.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang pumatay kay Asiong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page