top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lasing nanuntok ng pulis arestado

BULGAR
Dec 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 22, 2022


SORSOGON—Isang lasing na tricycle driver na nanuntok ng pulis ang dinakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Pangpang, Sorsogon City.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Junnel Haviera, residente ng nabanggit na barangay, samantalang hindi na pinangalanan ang biktimang pulis.


Ayon sa ulat, dala ng labis na kalasingan ay mabilis na pinatatakbo ni Haviera ang kanyang tricycle, kaya hinabol ito ng pulis at nang maabutan ay sinita sa pagmamaneho nito ng lango sa alak.


Nabatid na imbes magpaliwanag ay biglang sinuntok ni Haviera ang pulis.


Dahil dito, dinakip ng pulisya ang suspek at sinampahan ng kasong physical injury, direct assault against person in authority at driving under the influence of liquor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page