Lasing, nanunog ng bahay, arestado
@Balitang Probinsiya | August 2, 2023
ALBAY -- Isang lasing na laborer na nanunog sa bahay ng kanyang kapitbahay ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bonga, Legazpi City sa lalawigang ito.
Itinago muna ang suspek sa pangalang “Randy”, 38, residente ng nasabing barangay habang iniimbestigahan ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may nakakita sa suspek na lumabas sa bahay ni Corazon Narvaez at ang kasunod ay pagkasunog sa tahanan ng biktima.
Agad rumesponde ang mga bumbero kaya mabilis na naapula ang apoy, habang kalaunan ay nadakip ng pulisya ang suspek.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong arson.



Comments