Lasing, nalunod sa tubig-baha
@Balitang Probinsiya | December 20, 2021
CAPIZ--Patay ang isang lasing nang malunod kamakalawa sa tubig-baha sa Bgy. Poblacion Ilawod, Dao.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Alex Dimalata, resident ng Bgy. Duyoc sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nang malasing sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan ay nagpasyang umuwi si Dimalata, pero bumuhos ang malakas na ulan at binaha ang bukirin na kanyang dadaanan.
Nabatid na pinilit ni Dimalata na dumaan sa tubig-baha at dahil sa kalasingan kaya nalunod ang biktima.
Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero bangkay nang maiahon sa tubig-baha si Dimalata.



Comments