Lasing naligo sa ilog, nalunod
@Balitang Probinsiya | Pebrero 7, 2024
AKLAN -- Isang 36-anyos na lalaking lasing ang namatay nang malunod kamakalawa habang naliligo sa ilog na sakop ng Brgy. Ugsod, Banga sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Renato dela Torre, residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nag-inuman sa gilid ng ilog sina Dela Torre at dalawa niyang kaibigan, at nang malasing ay naligo ang biktima sa ilog.
Sinabi ng dalawang kainuman ni Dela Torre na nangamba sila nang hindi lumutang sa ilog ang biktima kaya humingi sila ng tulong sa mga residente, pero hindi agad natagpuan ang lasing na lumubog sa ilog.
Nabatid na lumipas pa ang ilang oras bago natagpuan ang biktima nang lumutang ang bangkay nito sa ilog.



Comments