top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lasing naligo sa dagat, nalunod

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 7, 2020



AKLAN—Isang lasing na lalaki ang namatay nang malunod habang naliligo sa dagat na sakop ng Bgy. Caticlan, Malay.


Ang biktima ay nakilalang si Louie Tubi, residente sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, kasama ni Tubi ang kanyang mga kaibigan nang magtungo sa baybaying dagat para mag-inuman at maligo.


Nabatid na lasing na sa alak si Tubi nang maligo sa dagat kaya nalunod ang biktima.

Kaagad sumaklolo ang mga kaibigan ni Tubi, pero bangkay na nang maiahon sa dagat ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page