top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lasing na rider, tepok sa aksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
May 25, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 25, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang lasing na rider ang namatay nang aksidenteng bumangga sa isang puno ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Marcelo, Calatrava sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Fortunato Nepalar, 27-anyos, residente ng Bgy. Minapasuk sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, dahil sa kalasingan ay nawalan umano ng kontrol si Nepalar sa pagmamaneho ng kanyang motorsiklo kaya bumangga ito sa puno sa naturang barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga sa puno ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page