top of page
Pokwang.jpg

Lasing na rider, dedbol sa semplang

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 5, 2021



CAPIZ—Patay ang lasing na rider nang aksidenteng sumemplang ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Angel, Dumalag.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rex Castro, residente ng Bgy. Poblacion sa naturang bayan.


Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo kaya nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima dahilan upang sumemplang ito sa sementadong kalsada.


Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page