Lasing na rider, bumangga sa kotse
@Balitang Probinsiya | November 20, 2023
AKLAN -- Isang lasing na rider ang sugatan nang bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang nakaparadang kotse kamakalawa sa Brgy. Estancia, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang lasing na rider ay kinilala ng pulisya na si Rey Fortin, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang bayan.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo na minamaneho ni Fortin kaya bumangga ito sa nakaparadang kotse sa nasabing lugar.
Nabatid na nagkaroon ng mga sugat sa katawan at braso si Fortin at sa kasalukuyan ay ginagamot na ito sa ospital.
Dahil sa pagmananeho ng lasing, kahit nasugatan sa insidente ay sasampahan pa rin ng mga otoridad si Fortin ng kasong driving under the influence of liquor.



Comments