top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Lasing na nanuntok ng 2 bagets, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 22, 2023

AKLAN -- Isang lasing na nanuntok ng dalawang binatilyo ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek at dalawang biktima habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ang dalawang binatilyo ay nilapitan sila ng lasing at agad na pinagsusuntok ang dalawang biktima.


Dahil dito ay inireklamo ng dalawang binatilyo ang suspek sa pulisya kaya inaresto ang lasing na nanuntok sa mga biktima.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong 2-counts ng physical injury at alarm and scandal.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page