top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lasing na nag-amok, tiklo sa toy gun

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 1, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 1, 2023


QUEZON -- Isang lasing na nag-amok ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa pananakot ng dalang toy gun sa mga residente ng Bgy. Mabini Ibaba, Macalelon, kamakalawa sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jayson Bulfane, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Lipuhan, Lopez sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang lasing na naglalakad ay biglang nagwala at inilabas ni Bulfane ang dala niyang toy gun at itinutok sa mga tao.


Dahil dito, mabilis na rumesponde ang pulisya at dinakip si Bulfane, at nang makumpiska ang hawak nitong baril ay napag-alaman na toy gun lang ito.


Gayunman, sinampahan pa rin ng pulisya si Bulfane ng alarm and scandal at paglabag sa Comelec gun ban.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page