top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lasing na holdaper, tumalon sa tulay

Writer: BULGAR
BULGAR
May 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 18, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang lasing na holdaper ang sugatan nang tumalon sa tulay, kamakalawa sa Bgy. Caliban, Murcia sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Fernando Camporaso, Jr., nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan.


Ayon sa ulat, lasing si Camporaso nang maglabas ng patalim, harangin at holdapin ang dalawang lending collector na nakasakay sa isang motorsiklo.


Matapos kunin ang bag na may lamang cash ng isa sa lending collector, mabilis na tumakbo si Camporaso, pero nakita siya ng mga nagpapatrolyang tauhan ng pulisya kaya hinabol ang suspek, at sa takot ng lasing na holdaper ay bigla itong tumalon sa tulay.


Dinala ng mga awtoridad ang suspek sa ospital at habang ginagamot ito sa pagamutan, inihahanda na rin ng pulisya ang kasong robbery laban kay Camporaso.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page