top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lasing na driver tepok sa ilog

BULGAR
Oct 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 20, 2022


PANGASINAN—Isang lasing na driver ang namatay nang mahulog sa ilog ang minamaneho nitong tricycle kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Natividad.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Francis Sagun, 37-anyos, nakatira sa Bgy. Rizal sa nabanggit na bayan.


Nabatid na isang residente ang nakakita sa bangkay ni Sagun na katabi ang tricycle nito sa nasabing ilog.


Sa pag-iimbestiga ng pulisya ay lumabas na lasing sa alak si Sagun kaya nawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho ng tricycle at nahulog sa ilog.


Posible umano, ayon sa pulisya na nabagok ang ulo ni Sagun at nalunod pa kaya namatay ito sa pinangyarihan ng aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page