Lasing na driver, nalunod sa dagat
@Balitang Probinsiya | April 6, 2023
CAMARINES SUR—Isang lasing na driver ang namatay nang malunod kamakalawa habang naliligo sa dagat na sakop ng Bgy. Balogo, Pasacao sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Noel Olino, 29, residente ng bayan ng Tinambac sa nasabing lalawigan.
Nabatid na lasing nang maligo si Olino, kasama ang kanyang mga kaibigan sa dagat sa naturang lugar, at nang magawi sa malalim na bahagi ng tubig ay dito nalunod ang biktima.
Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa dagat.
Ayon sa ulat, nang dumating ang rescue team ay saka lang natagpuan sa ilalim ng dagat ang biktima at agad itong dinala sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments